Shopping security
Isa itong kasaysayang pampanitikan tungkol sa pambansang panitikan noong ika-19 siglo. Malimit kasi na kapag ginunita ang naturang panahon, ginugunita lamang si Balagtas at pagkaraan ay lumulukso na sa GomBurZa at sa La Solidaridad at Katipunan. Kung ang Florante at Laura ay nailathala noong 1838 at ang GomBurZa ay binitay noong 1872, ano ang nangyari sa pagitan ng 1938-1872 sa ating panitikan? Ang tanong na ito ang nais sagutin kong aklat sa pamamagitan ng isang hakàng kasaysayan tungkol sa kabuluhan ni Balagtas sa ating panitikan at sa kasaysayan ng Filipinas hanggang dulo ng ika-19 siglo. Kaya ito ay kasaysayan ng panitikan mula kay Balagtas hanggang Himagsikang 1896. Ito rin ay kasaysayan ng panitikang popular—ng awit, korido, komedya, at pasyon—na ipinalaganap sa panahong iyon at sa aking hakà ay naging makabuluhan sa paggising sa diwang mapagpalaya ng mga Filipino. Ito ay sagot ko sa ipinapalagay kong makitid na pag-unawa ng mga edukado hinggil sa pagkamulat ng mga Filipino laban sa kolonyalisyong Español at kanluranin.
Ships within 48 hours · Estimated delivery Jun 24 - Jun 29
US$40
Get nowSign up to your membership to get coupons up to
15%
Get nowOpportunity to enjoy order discount up to 15% off
Top-Converting Item to Boost Your Average Order